Advertisers
IBINEBENTA na ni Rufa Mae Quinto ang mga damit ng kanyang anak na si Alexandra Magallanes na naiwan sa Manila. Naka-post sa RufaMaeCloset ang mga damit ng anak na ayon mismo sa sikat na comedienne na yung iba ay brand new at ang iba naman daw ay slightly used na.
Ang katuwiran ni Rufa Mae kaya binebenta na niya ang mga damit ng anak para sa bagong titirhan ay kailangang mga bago na rin ang mga damit ng anak.
Sa ngayon kasi ay nasa San Francisco, California pa rin sila ng anak at baka matagalan pa raw sila makabalik ng Pilipinas.
Baka pagbalik nila ay hindi na rin umano kasya sa anak ang mga damit nito.
Bukod sa mga damit ng anak ay ibinebenta na rin ni Rufa Mae ang kanyang branded bags at jewelries thru online selling.
Isa nga sa binebenta ng actress ay ang Chanel beach bag sa halagang P40,000 na as on now ay baka may nakabili na.
Matagal na rin nag-on-online selling si Rufa Mae kaya kahit siguro wala siyang project sa showbiz ay hindi sila magugutom ng kanyang anak. Isama pa na may husband siya na sumusuporta sa kanilang mag-ina. (Gerry Ocampo)