Advertisers

Advertisers

Mag-live-in huli sa P13.6M shabu

0 262

Advertisers

ARESTADO ang mag-live in partner nang kumagat sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Martes ng gabi.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jonathan Condeza alyas Tantan, 41, ng 6-E Zambales St., Bagong Bario, Caloocan City; Maribel Salipot, 27, ng 13-D Pangasinan St., Bagong Bario.
Sa ulat, 10:15 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa Home Land Subdivision, Brgy Tandang Sora, Q.C.
Narekober sa mga suspek ang dalawang transparent plastic bags na naglalaman ng dalawang kilo na shabu na may street value na 13,600,000.00.
Inihahanda ang kaso laban kina Condeza at Salipot.(Boy Celario)