Advertisers

Advertisers

Mag-asawa patay nang maanod sa ilog

0 243

Advertisers

NASAWI ang mag-asawang magsasaka nang tangayin ng rumaragasang tubig habang tumatawid sa ilog ang mga ito nitong Lunes ng hapon sa Libon, Albay.
Nakaligtas naman ang 12-anyos na anak ng mga biktima.
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Ritchell Pontanes, 37; at Maricel, 35, mga residente ng Purok Dalagang Bukid.
Ayon sa ulat, umakyat ng bundok ang mag-asawa kasama ang anak para kumuha ng kawayan.
Kuwento ng bata, inalalayan siya ng ama sa pagtawid ng ilog, maging ang kaniyang ina, sa Barangay Talin-Talin nang bigla nalang tinangay ng tubig ang kaniyang mga magulang dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Naisugod pa sila sa ospital pero binawian rin ng buhay.(PFT team)