Advertisers
SABI ni Presidential Spox Harry Roque, ang “gentleman agreement” sa term sharing sa house speakership sa pagitan nina Congressmen Alan Peter Cayetano ng Taguig City at Lord Allan Jay Velasco ng Marinduque ay masusunod.
Pero kung kulang sa bilang si Velasco ay mananatili sa kanyang puwesto as House Speaker si Cayetano, pahayag ni Roque.
Ito’y matapos magsalita ang mga astig na kongresista na kapag nagpalit ng liderato sa House marapat na daanin nalang sa elek-syon kesa sundin ang naunang kasunduan na term sharing.
Sabi nina Congressman Pidi Barzaga ng Dasmarinas City, Ca-vite at ACT CIS Partylist Eric Yap, pag nagkaroon ng bagong eleksyon, tiyak mananalo ng lanslide si Cayetano.
Ito’y dahil narin sa malawak na karanasan ni Cayetano bilang mambabatas.
Oo! Kung kwalipikasyon lang ang pag-uusapan, maiiwan sa kang-kungan si Velasco sa isyu ng Speakership sa Kamara. Sob-rang nipis ang angkin niyang kaalaman at kapasidad kumpara kay Speaker Cayetano.
Tingnan nyo nalang si Cayetano, napakalawak ng kanyang karanasan: Nagsimula ito ng paninilbihan sa LGU, naging kongresista, senador, cabinet secretary, at ngayon Speaker of the House. Kayang-kaya niyang makipagbalitaktakan tungkol sa napakara-ming usapin pati na ang mga bagay na ibinabato sa Duterte Administration.
Ang tanong: Mula nang maging Pangulo si Digong, naipagtanggol na ba ni Velasco ang administrasyon sa mga tumitira dito? May sinabi na ba siya bilang depensa kay Digong at sa mga tira ng oposisyon laban sa gobyerno? Sa dinami-dami ng mga puna ng kalaban sa Duterte administration, nakakabingi ang katahimikan ni Velasco para manlang tumindig para sa gobyerno. Kaalyado ba talaga siya ni Digong?”, tanong nga mga DDS. Hehe…
Kulang na kulang ang performance ni Velasco sa Kamara. Minsan, hindi pa ito dumadalo sa pagdinig mismo ng kanyang pinamumunuang Committee on Energy. Dapat manlang, kung talagang gusto niya maging Speaker, ay naging aktibo siya sa Kamara noon pa man. Sabi nga ng maraming kongresista, tahimik si Velasco at hindi masyadong gumagalaw sa Kamara. Kumbaga, nabigo si Velasco na makuha ang suporta ng mga kapwa solon sa nagdaang 15 buwan. Kaya naman hindi tama na basta nalang siya susulpot sa kamara bilang speaker, sabi ng ilang kongresista.
Oo nga’t nagkaroon ng kasunduan para sa 15-21 term-sharing sa Kamara, pero sa totoo lang, nagawa ng kasulukuyang liderato ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano ang mga priority measure ng gobyerno ni Digong. Kaya nga dahil dito, nakakuha ng pinakamataas na rating ang Kongreso at si Cayetano sa mga poll survey ng SWS at Pulse Asia na siyang kauna-unahan sa kasaysayan ng Kamara.
Kaya… asahan na natin na makakanti ang kampo ni Velasco dahil kung tutuusin kulang siya sa numero ng mga kongresista na sumusuporta sa kanya. Hindi maitatanggi na hawak ni Cayetano ang majority kasama na ang Nacionalista Party, National Unity Party, ang partido ni Majority Leader Martin Romualdez, at iba pang miyembro ng coalition kasama na ang ibang miyembro ng party-list group.
Sabi nga ni Digong, ipapaubaya niya na sa mga kongresista ang Speakership issue. Wala na aniya siyang magagawa kung hindi makakuha si Velasco ng numero sa Kamara. Hands-off na siya sa bagay na ito.
Bakit pa nga ba magpapalitan ng liderato kung nagawa naman nito ang dapat na trabaho ng Kongreso lalo na ang listahan ng priority measures ng Palasyo?
Ika nga: “Why fix anything that is not broken?”
***
At last!!! nagsalita na si Pangulong Duterte tungkol sa napanalunang kaso ng Pilipinas sa UNCLOS laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea. Panalo raw tayo at dapat itong kilalanin ng China.
Tiyak nagwawala na ngayon ang Chinese gov’t. Hehehe…