Advertisers

Advertisers

Julia todo-deny sa pinakalat na isyu ni Sonza na buntis kay Gerald

0 254

Advertisers

“FAKE NEWS!”

Ito ang maikling sagot ni Julia Barretto tungkol sa tsismis na pinalutang ng dating broadcaster na si Jay Sonza sa kanyang Facebook account noong Lunes, September 21, na buntis si Julia. At ang ama raw ng batang nasa sinapupunan nito ay si Gerald Anderson.

Bahagi pa ng post ni Jay sa Facebook ang mga salitang Bisaya: “Nahinayak ang batang Dadiangas, nasiyot man jud oi. kapugngan pay tren, dili ang gugmang gauros-uros tawon.”



(“Napuruhan ng batang Dadiangas, na-shoot talaga. Mapipigilan pa ang tren, pero hindi ang pag-ibig na umaapaw.”)

Galing daw ang impormasyong ito sa kapitbahay ni Jay.

Ayon kay Julia, wala itong katotohanan. Hindi na nagbigay ng anumang paliwanag o detalye ang aktres Hindi rin niya binanggit ang pangalan ni Jay na siyang nagpakalat ng “fake news.” At tila hindi siniseryoso, wala rin siyang binanggit ng anumang hakbang laban sa dating sikat na broadcaster. (Rommel Placente)