Advertisers
HANDA na si Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. sa nalalapit na Grandmaster at Attorney Rosendo Carreon Balinas Jr. Death Anniversary Free Registration Online Chess Tournament sa Setyembre 27, 2020, Linggo, 11 am sa lichess.org.
Nagtulong ang magkapatid na sina Bethesda, Maryland USA based frontliner Dr. Joe Balinas at older brother engineer Antonio “Uncle Paps” Balinas sa paglatag ng total pot prize P50,000 plus P43,000 sa honorarium ng 132 master na masisilayan sa 21 rounds Swiss System, 2 minutes plus 2 seconds increment time control format, na inorganisa ng Bayanihan Chess Club.
“It’s a prestigious tournament kaya medyo excited ako. I’ll do my best to win,” sabi ni Chandler, Arizona, USA based Barcenilla na two-time (1989 and 1990) Asian Junior champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania.
Ating magugunita na si Barcenilla ay nakamit ang first national title matapos ang 23 years n g magkampeon sa 2019 National Open na tinampukang Battle of the Grandmasters na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence sa Quezon City. Naghari din si Barcenilla sa 1996 Far East Bank-Philippine Open. Miyembro rin siya ng national team na tumapos ng seventh place, ang highest sa Philippines sa 1988 Olym-piad sa Thessaloniki, Greece.
Nitong Setyembre 6, ang 47-year-old Barcenilla ay tumapos ng runner-up place sa likod ni eventual champion New York, USA based Grandmaster Mark Paragua, sa event na nagbigay pugay sa 79th birthday celebration ni GM at Atty. Balinas.
Lahat ng laru ay nasaksihan ng live sa Youtube channel ni Arena Grandmaster Voltaire Marc Paraguya
(Marlon Bernardino)