Advertisers

Advertisers

Garong nahulog sa bangin: 1 patay

0 234

Advertisers

NASAWI ang 37-anyos na lalaki nang mahulog ang sinasakyan nilang garong sa malalim na bangin sa Barangay Parian, Mangatarem, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Loresco Banez, miyembro ng Civilian Auxiliary.
Nang makitang mahuhulog sa bangin na may lalim na 10 talampakan, agad tumalon mula sa garong ang biktima sa pag-aakalang makakaligtas ito.
Halos mahati ang katawan ng biktima nang tumama sa bakal ang baywang nito.
Ligtas at nagpapagaling naman sa ospital ang driver ng garong.
Posible umanong nawalan ng kontrol ang sasakyan kaya nangyari ang aksidente. (PFT team)