Advertisers
PALYADO ang administrasyon sa COVID-19 response nito, ayon kay dating Speaker Pantaleon Alvarez.
Hindi naman kasi aniya maikakaila na makalipas ang ilang buwan ay patuloy pa rin ang pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Para kay Alvarez, dapat naging mas “localized” ang solusyon ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Halimbawa, sa halip aniya na ipagbawal ang face-to-face classes, dapat aniya ikinonsidera rin ng mga otoridad ang kawalan ng access sa internet at television signal sa ilang bahagi ng bansa, at ang walang kakayahan ng mga guro at magulang na makabili ng gadgets para sa distance learning.
Bukod dito, dapat ay inihinto na rin ng mga regulators ang sobrang pag-aangkat ng mga agriculture products lalo pa at apektado rin ngayon ng pandemya ang mga magsasaka.
Pero, paglilinaw ng dating lider ng Kamara, hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang direkta niyang binabatikos.
Ang kanyang pinatutungkulan aniya ang mga nakikita niyang mali sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.