Advertisers

Advertisers

DUTERTE NANINDIGAN NA SA WEST PH SEA

0 233

Advertisers

UMANI ng papuri si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag niya sa United Nations General Assembly nitong Miyerkules ng madaling-araw kung saan iginiit nito ang arbitral ruling sa South China Sea na naipanalo ng Pilipinas laban sa China.
Ikinatuwa ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, na long-time advocate ng soberenya ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo na tinanggap ng Punong Ehekutibo ang suporta ng ilang bansa.
“Alipin no more” ang reaksiyon naman ni Senator Panfilo Lacson sa paggiit ng Pangulo sa ruling.
Sa kaniyang kauna-unahang talumpati sa UN General Assembly, iginiit ng Pangulo ang napanalunang desisyon ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea sa kabila ng nauna niyang pagtangging hamunin ang China.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa ilang bansang sumuporta sa naturang ruling. (Josephine Patricio)