Advertisers

Advertisers

Duda kay Duterte sa isyu ng West PH Sea, nabura na – Lacson

0 275

Advertisers

NAALIS na umano ang mga pagdududa sa pananaw ukol kay Pangulong Rodrigo Duterte na pababayaan nito ang isyu sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Pahagay ito ni Sen. Panfilo Lacson, matapos marinig ang naging talumpati ni President Duterte sa UN General Assembly, kung saan iginigiit ang bisa ng napanalunang arbitral ruling sa permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands noong 2016.
Ayon kay Lacson, ang mga Filipino mula sa iba’t-ibang political faction ay tiyak na nagalak din sa matatag na pagbibigay diin ng ating pangulo para sa ating posisyon sa West Philippine Sea.
Hangad ng senador na sana raw ay narinig at naintindihan ng malinaw ng China ang nasabing mensahe.