Advertisers

Advertisers

Covid update: 765 gumaling; 44 nasawi; 2,833 bagong kaso

0 209

Advertisers

UMAKYAT na sa 294,591 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,833 infection nitong Miyerkules, Setyembre 23, base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 968 new cases.
Sinundan ito ng Region 4A na may 456 at Region 3 na may 314.
Nasa 58,127 naman ang aktibong kaso.
Nakapagtala naman ang DOH ng 765 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 231,373 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 44 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,091 na ang kabuuan.
May 31 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 14 dito ay recovered cases at isang nasawi ang tinanggal.
Samantala may 21 kaso na naunang inulat na gumaling pero 16 dito ay nasawi habang lima naman ang active case. Ito ay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)