Advertisers
KINUMPIRMA ng Lokal na pamunuan ng Aklan na may go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang muling pagbubukas ng Boracay Island sa mga turista sa Oktubre 1.
Ito ang inihayag ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa isang panayam nitong Miyerkules, Setyembre 23.
Aminado si Miraflores na matagal na nila itong pinaghandaan kung saan kailangan magparehistro muna ang mga dadayong turista bilang bahagi ng health protocols at safety measures sa gitna ng banta ng pandemya.
Obligadong magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 swab test tatlong araw bago ang bakasyon ng mga turista.
Ayon pa sa gobernador, target nila ang mga turistang mula sa China, Taiwan at South Korea.
Ipinagmalaki rin ni Miraflores na nananatiling COVID-free ang Boracay Island. (Josephine Patricio)