Advertisers
BUKOD sa pagiging mahusay na aktres, bongga rin ang accomplishment ni Aiko Melendez sa kanyang YouTube channe!
Imagine, mahigit apat na milyong views, isandaan at dalawampu’t limang libong subscribers, ito ang mga achievement ng mahusay na aktres sa kanyang Youtube channel.
Ang mga napapanood sa Aiko Melendez Youtube channel ay mga pangkaraniwan ( at minsan ay hindi pangkaraniwan) na ginagawa ni Aiko, pati na rin ng ina niyang si Elsie Castaneda, at ng dalawang anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain.
Anything tungkol sa pagkain, day-to-day activities, question and answer portion, one-on-one no-holds barred na chikahan, wellness, journey to fitness and health at kung anu-ano pa; ang mga bagay at kaganapang ito ang walang-sawang sinusubaybayan ng mga supporters at tagahanga ni Aiko.
At dahil may mahigit na isandaang libong subscribers sa kanyang Youtube channel, matatanggap na ng Prima Donna star ang kanyang YouTube Silver Play Button!
Para sa kaalaman ng lahat, ang YouTube Silver Play Button ay isang parangal o pagkilala sa isang Youtuber na mayroon nang isandaang libo o higit pang YT subscribers.
Halos isang taon pa lamang, noong August 31, 2019, noong unang mag-upload si Aiko sa kanyang Youtube channel ; ito ay noong katatapos lamang pumirma ni Aiko ng managerial contract sa ilalim ni Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.
At para makapag-share ng blessing at makatulong sa kapwa, madalas ay nagpo-promote si Aiko ng mga maliliit na negosyo… for free!
Alam naman natin na milyon ang bayad sa mga celebrities para mag-endorso ng produkto o negosyo sa kanilang social media accounts, pero si Aiko ay ginagawa ito nang libre.
May adbokasiya rin si Aiko para i-promote ang mga produktong lokal na gawa sa Pilipinas
“As my way of helping small business during the pandemic, I will feature some products, food that I believe in, [and] all those who are deserving of shout outs from me,” pahayag ni Aiko sa kanyang Instagram account.
“I’m excited to share to all my more than 100K subscribers on YouTube that as my way of helping small business during the pandemic, I will feature some products, food that I believe in, all those who are deserving of shout outs from me.
“Yes, you read it right, not only in my IG stories but in my YouTube channel as well.
“This is my way of thanking everyone for subscribing to my YOUTUBE channel,” dagdag pa ng mahusay na aktres.
Siyempre pa, kasama sa mga ine-endorso ni Aiko ay ang negosyo ng unico hijo niyang si Andre na Andrei’s Obra Lokal products at ang business ng bunsong anak na si Marthena, ang napakasarap na Marthena’s Cookie Marthens.
***
NADISKUBRE ni Kapuso actress Andrea Torres ang kanyang hilig sa pagnenegosyo sa kasagsagan ng quarantine at kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan ang food business na Family Favorites.
Aniya, “Mayroon akong na-discover sa sarili ko na mahilig pala ako mag-business and moving forward, gusto ko pala siyang ipagpatuloy. Nafu-fulfill din ako sa kanya. Maganda rin na na may kinabi-busy-han ako bukod dito sa first love ko na pag-aartista.”
Pagbabahagi pa ng ‘I Can See You’ actress, malaki raw ang naitutulong ng kasintahang si Derek Ramsay sa tuwing nakararanas siya ng problema sa negosyo, “Lagi naman siyang nandiyan talaga para suportahan ako and ine-encourage ako. Lalo na kapag nagpa-panic ako.”
Binabalanse rin daw ni Derek ang kanyang pagiging perfectionist, “Kasi ano ako, e, parang may pagka-perfectionist ako tsaka lahat pina-plano ko. So, kapag medyo hindi umaayon sa plano, medyo uncomfortable ako diyan. Si Derek ‘yung laging ‘Hindi okay lang ‘yan.’ Kasi si Derek naman, binabalanse niya ako. Very carefree.”
Bukod sa pagiging abala sa food business, nagbalik-taping na rin si Andrea para sa drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’ na makakasama niya sina Paolo Contis, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi. Mapapanood ‘yan simula October 12 sa GMA Telebabad. (Rommel Gonzales)