Advertisers

Advertisers

4 estudyante nagtayo ng barong barong sa burol para makasagap ng signal para sa online learning

0 259

Advertisers

NAGTAYO ng barong-barong ang apat na mag-aaral sa isang burol kungsaan malakas ang internet signal sa South Cotabato para sa kanilang online learning.
Sa ulat, sinabing nahihirapang kumuha ng internet signal ang magkakaibigan kaya nagpasya silang magtayo ng barong-barong sa isang burol sa Lake Sebu.
Gawa ang barong-barong sa kawayan at dahon ng niyog.
Minsan, doon narin natutulog ang magkakaibigan tuwing lumalakas ang ulan o sa mga pagkakataong matagal ang pag-download na mga school requirement.
Nagdala narin sila ang mga gamit sa pagluluto sa ginawang barong-barong.