Advertisers

Advertisers

2 OSPITAL NA TUMANGGI SA PASYENTE KINASUHAN NA NG NBI!

0 300

Advertisers

SINAMPAHAN ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) – NCR ang dalawang ospital na tinanggihan ang isang bagong panganak na ginang dahil sa kawalan umano ng Ob-Gyne at pambayad na downpayment.
Matapos ang isinagawang imbestigasyon ng NBI sa reklamo ng kaanak ng biktimang si Catherine Bulatao, nabatid na bukod sa dalawang hospitals, ang Grace General Hospital sa Bulacan at FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation sa Quezon City, kinasuhan din ang ilang staff.
Nanganak si Bulatao noong Abril sa kanilang bahay at kinailangang isugod sa ospital dahil sa kumplikasyon batay narin sa rekomendasyon ng kumadrona na nagpaanak sa biktima.
Pagdating sa FEU Hospital, hiningan ng downpayment ang mister ng biktima pero wala silang dalang pera. Kaya lumipat sila sa Grace General Hospital, pero tinanggihan din ang biktima dahil wala umanong naka-duty na obstetrician .
Ayon sa NBI, kasong paglabag sa Republic Act No. 10932 o Anti-Hospital Deposit Law laban sa dalawang ospital at staff nito.
(Jocelyn Domenden)