Advertisers

Advertisers

Para walang makalimutan… Carla type dalhin ang bahay sa lock-in taping ng serye; Catriona inuudyukang kasuhan na ang ex-bf na si Clint at ang Indonesian bashers

0 196

Advertisers

TIYAK na matutuwa ang followers ng teleserye ng Kapuso Network  dahil  sunud-sunod na ang lock-in taping ng network. Matagal din kasi natigil  ang mga teleserye dahil sa dinaranas natin  na Covid-19 pandemic.

Successful ang natapos na lock-in taping  na tumagal ng sampung araw  na Decendants of the Sun na pinagbidahan ni Dingdong Dantes.

Kasalukuyan naman ang lock-in taping ng Anak ni Waray  vs  Anak ni Biday. At tulad ng inaasahan, lahat ng  kasama sa cast ay naninibago  sa pagte-taping sa new normal pero hindi rin maitatago ng cast ang kasiyahan dahil may trabaho na uli sila.



Ang susunod naman na lock-in taping  ay ang teleseryeng pinagbibidahan ni Carla Abellana na Love of My Life. Marami ang natuwa sa interview sa actress ng 24 Oras na ikinuwento ang ginawa niyang paghahanda  para sa 100 lock-in taping days  nila nina Coney Reyes, Mikael Daez at Rhian Ramos.

“Alam  ba  ninyong  gusto  ko nang dalhin  ang  buong  bahay  ko sa taping namin,” nakangiting say ni Carla. “Sa ngayon ay nakahanda na ang four baggages ko ng mga damit na gagamitin ko sa taping. Iyong ibang  gamit, ikakahon  ko  na lamang. “Naikuwento na sa akin ni Tom (Rodriguez) kung paano ang taping dahil tapos na siya sa kanilang episode  ng I Can See You.  Four days  lamang ang lock-in taping nila. Excited  na rin akong magbalik-taping at challenge  sa akin  iyong 100 days.”

Next  month (October), magsisimula na rin ang lock-in taping ng Bilangin ang Bituin  sa Langit nina Nora Aunor, Kyline Alcantara, Mylene Dizon, Zoren Legaspi sa direksyon ni Laurice Guillen.

***

WALA na ngang makapipigil  pa sa pagsasampa  ng demanda ni Miss Universe Catriona Gray laban sa isang tabloid.



Mababasa kasi sa post ni Atty Joji Alonzo, ang abogado  ni  Catriona na, “The first  case has been  filed before the Quezon City Prosecutor`s  Office while  we avail  the results of the NBI investigation on the identification  of  other respondents.”

Tila  pinatapos lang nina Catriona at Atty. Alonzo ang “ghost  month”  para simulan na ang pagsasampa ng demanda.

May  susunod pa raw na idedemanda si Catriona at suggestion nga ng kanyang fans ay  isama na ring kasuhan ang Indonesian  bashers  niya dahil  hindi raw maganda ang mga pino-post  sa social media  at ganoon din ang kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad  dahil  dito raw nagsimula ang lahat na ikinadamay ng iba. (Gerry Ocampo)