Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu huli sa tindero sa Parañaque

0 262

Advertisers

TIMBOG ang 29-anyos na lalaki nang mahulihan ng milyon-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parañaque City nitong Lunes.
Nakipagkita ang target na si “Dodong” sa nagpanggap na buyer mula sa PDEA-NCR Eastern District Office sa Dr. A. Santos Avenue sa San Isidro 8:30 ng gabi.
Nakumpiska mula kay Dodong ang 500 gramo o kalahating kilo ng shabu na tinatayang nasa P3.4 milyon ang halaga.
Ayon kay Adrian Alvariño, regional director ng PDEA-NCR, isang high value target si Dodong na isa sa mga malalaking supplier ng shabu sa mga lungsod sa timog at silangang bahagi ng Metro Manila.
Nagpakilala si Dodong na nagtitinda ng mga overrun ready-to-wear clothes pero hinala ng PDEA ay front lang ito ng suspek.
Suki ng suspek ang mga barangay-level drug pusher at ibang parokyano na sunod nang target ng PDEA.
Isasailalim naman sa drug clearing operations ang mga barangay na napag-alamang binabagsakan ni Dodong ng kaniyang produkto.
(Gaynor Bonilla)