Advertisers

Advertisers

Ombudsman Martires pinabubuwag na lang ang Office of the Ombudsman

0 210

Advertisers

IPINAYO ni Ombudsman Samuel Martires na buwagin na lamang ang Office of the Ombudsman.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Martes, Setyembre 22, sinabi ni Martires na walang matataas na opisyal ang nakakasuhan at napaparusahan sa katiwalian dahil sa kawalan ng ebidensya at testigo.
May mga natatanggap anya siyang reklamo laban sa matataas na opisyal ng mga ahensya ng gobyerno pero kapag sinabihan ang nagrereklamo na gumawa ng affidavit ay umaayaw naman ang mga ito.
Kaya sabi ni Martires, sinasabihan niya ang mga nagrereklamo na tumahimik na lamang at hindi puro tsismis.
Inihalimbawa nito ang mga sinasabing korapsyon sa Bureau of Customs pero wala namang gustong lumantad upang tumestigo laban sa partikular na kawani o opisyal ng nasabing tanggapan.
Kaugnay nito, hinamon ni Martires ang mga ahensya ng pamahalaan na magkanya-kanya na lamang ng paglaban sa graft and corruption.
Sa ganitong paraan anya, bukod sa pag-abolish sa Ombudsman ay bubuwagin na rin ang Sandiganbayan kung saan nililitis ang mga kaso laban sa mga katiwalian ng mga kawani ng pamahalaan at kasabwat ng mga ito.
Makakatipid pa anya ang pamahalaan sa gastos at magagamit ang matitipid na salapi sa pagpapatayo ng pabahay sa mga mahihirap.