Advertisers

Advertisers

Ivana pampagawa ng dream house ng ina at utol ang kinikita sa vlog

0 286

Advertisers

PINATUNAYAN ng sexy actress na si Ivana Alawi na isa siya sa pinaka-generous na celebrity sa local tinseltown.

Ayon kay Ivana, iniipon niya ang kanyang kinita sa pagvlo-vlog para maipatayo ang kanyang dream house para sa kanyang mahal na ina.

Sa kanyang vlog, ipinakita rin ni Ivana ang lote at ang plano ng kanyang dream house.



Nasorpresa rin ang kanyang nakatatandang kapatid na si Hashim dahil ang titulo ng lupa nito ay nasa pangalan niya.

Pagbabahagi pa niya, ang nanay daw niya ang nag-request na kunin ang serbisyo ng United International Décor para magdisenyo ng kanilangbahay.

Moderno ang istilo, may mataas na kisame, puno ng salamin at may tatlong palapag ang disenyo ng bahay.

Noon pa man, nabanggit ni Ivana na hindi niya ginagalaw ang lahat ng kanyang kinita sa pagiging vlogger dahil nakalaan daw iyon sa dream house ng kanyang Mama at kapatid.

“Hindi ko pa siya nagagastos kahit piso kasi nga pambili ko yun ng bahay ni mama,”aniya.



May hanash din si Ivana na for the meantime, parang ayaw muna niyang magtrabaho dahil natatakot siyang  lumabas ng bahay dahil baka mahawahan ng Covid-19.

Dahil dito, may espekulasyon na hindi na matutuloy ang kanyang launching teleserye na “Lihim ni Ligaya” dahil tinatamad na  raw itong magtrabaho.

May hugot pa raw kasi itong takot siyang mahawahaan dahil may immune-compromised siyang kapatid na baka mahawahaan.

Concerned din daw siya sa kapakanan at kaligtasan ng kanyang ina at mga kapatid.

Hirit naman ng ilang kibitzers, hindi na raw maabot si Ivana dahil kinabog na nito si Alex Gonzaga sa pagvlo-vlog.

Hindi na rin daw ma-reach dahil namimili o tumatanggi na sa trabaho gayong wala pa raw naman itong napatutunayan bilang aktres.(Archie Liao)