Advertisers

Advertisers

FB user nagpanggap na PNP Chief para makapang-scam

0 244

Advertisers

NAGPANGGAP ang isang Facebook user bilang si Philippine National Police (PNP) Chief, Director Gen. Camilo Cascolan, para makapanghuthot.
Ayon kay Police Brig. Gen. Dennis Agustin ng PNP Anti-Cybercrime Group, nagsasagawa na ng case-build up operation laban sa hindi pa pinangalanang suspek, na posibleng maharap sa mga kasong paglabag sa anti-cybercrime law.
Isang malapit na kaibigan ni Cascolan ang nagsumbong sa hepe ukol sa pagpapanggap ng suspek.
Nagkunwari umano ang Facebook user bilang si Cascolan at inalok ang pamangkin ng kaibigan ng hepe ng reassignment sa gusto nitong puwesto kapalit ng P10,000.
Nagbabala naman si PNP Spokespersonm Col. Ysmael Yu, laban sa mga kaparehong modus.
Nasa 76 tao na ang kinasuhan sa 113 magkakahiwalay na insidente ng cybercrime habang 27 violators ang naaresto mula nang magpatupad ng COVID-19 lockdown sa bansa noong Marso, ani Yu.
Pinaigting ng mga awtoridad ang anti-cybercrime operations dahil inasahan nilang dadami ang mga ito, lalo sa mga lugar na nasa ilalim ng community quarantine kungsaan bumaba ang mga insidente ng mga “traditional crime,” paliwanag ni Yu. (Jocelyn Domenden)