Advertisers

Advertisers

EX-RADIO REPORTER DISMAYADO SA PHILIPPINE CONSULATE NG AUSTRALIA!

0 357

Advertisers

Dismayado ang isang dating RADIO REPORTER sa tila kawalang-malasakit ng opisyal sa PHILIPPINE CONSULATE ng AUSTRALIA na hindi man lamang maasistehan sa problemang pagkakakulong ng kaniyang kapatid na sa halip na makuha ang kaniyang 2 anak na tinangay ng mga opisyal ng DEPARTMENT OF CHILDREN SERVICES (DoCS) at ng FAMILY COMMUNITY SERVICES AND JUSTICE (FCSJ) sa AUSTRALIA ay ito pa ang nasadlak sa preso.

Sa mensaheng ipinadala sa ARYA ni JESS GARCIA na dating DZRH RADIO REPORTER at kasalukuyang immigrant sa SYDNEY, AUSTRALIA ay nasentensiyahan ng 14-months pagkakakulong na walang kaukulang piyansa at parole ang kaniyang kapatid na si INOCENCIO “COY” GARCIA dahil lamang sa pagsusumikap na muling makuha ang kaniyang 2 anak na kapwa mga minor age na tinangay ng mga opisyal sa naturang bansa.

Ayon kay JESS GARCIA na dati ko ring nakasama sa iba’t ibang news coverage nang ito ay reporter noon sa DZRH, ang kaniyang kapatid na si COY ay nagsimula ang pagproblema nito noong SEPTEMBER 23, 2014 nang ang mga personnel ng DoCS at FCSJ sa MT. DRUITT sa pamumuno ng case acting manager na si KAYLEIGH WOTHERSPOON ay puwersahan umanong pinasok ang pamamahay nito sa 34 KURAMA CRESCENT, WHALAN, NEW SOUTH WALES at tinangay ang kaniyang mga anak na sina JENNIFER, 3 at JAMES, 2 na noo’y wala sa bahay si COY dahil may trabaho ito.



Ang mga sumalakay ay may dala umanong “falsified evidence” na umano’y ang mga anak ni COY ay dumadanas ng pagmamaltrato gayong maayos ang pag-aalaga at masayang namumuhay ang mag-aama sa kanilang pamamahay.

Siyempre pa, pinagsikapan ni COY na muling mabawi ang kaniyang mga anak na sinampahan nito ng kasong kidnapping ang mga tumangay sa kaniyang pinakamamahal na mga anak.

Nitong September 3, 2020, si COY ay sinentensiyan ng korte sa salang “unlawfully broadcasting and publishing on facebook” sa mga litrato at pangalan ng kaniyang mga anak na tinangay ng DoCS at FCSJ.., na ikinakatuwiran ni COY na legal rights niya ang pagpost sa social media ang mga litrato at pangalan ng kaniyang mga anak na kinidnap ng nasabing mga kinauukulan.

Siyempre pa, sa sitwasyon ni COY ay nagpaasiste na si JESS sa ilang mga opisyal natin tulad nina SENATOR CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO at SENATOR IMEE MARCOS ay nakipag-ugnayan sa PHILIPPINE CONSULATE GENERAL ng SYDNEY, AUSTRALIA at inabisuhan si CONSUL GENERAL EZZEDIN TAGO na asistehang mapalaya si COY sa pagkakakulong.

Nitong September 14, ang SECRETARY ni TAGO ay kinontak si JESS GARCIA para sa miting hinggil sa sitwasyon ni COY.., na nitong September 17 ay nagtungo si JESS sa consular office na bitbit nito ang sangkaterbang mga dokumento.



Gayunman, laking pagkadismaya ni JESS nang marinig sa kaniyang kausap na walang maitutulong ang ating EMBASSY dahil wala raw pondo para makakuha ng serbisyo ng private lawyers…, na tinugon umano ni TAGO na ang kapalaran ni COY ay nakasalalay na lamang kay SECRETARY TEODORO LOCSIN, kung magbibigay ito ng kautusan para tutulungan o hindi ang nakulong na si COY.

“I know ConGen Tago is not a full-blooded Filipino since his mother was an Egyptian. He was born and raised in Egypt and until now his mother has lived in Egypt whom he often visited after his father, a former DFA officer passed away. It will not surprise me that he does not have the care for migrant Filipinos like my brother because he is not purely Filipino. I wonder how an incompetent diplomat like him, an alter ego of the President, passed through the Commission on Appointment and got assigned consul general here in Sydney. We don’t need an inutile here!,” saad ni JESS.

Bunsod nito ay nananawagan si JESS kay PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na mapaglaanan ng pondo ang lahat ng EMBASSY natin sa iba’t ibang bansa upang maasistehan ang mga PINOY na kapos sa aspetong pinansiyal para sa mga usaping korte.

***

DEMOLISYON SA VITAS, TONDO SUSPENDIDO!

Medyo makakaalwan muna ngayon ang mga apektado ng demolisyon sa VITAS-KATUPARAN B, TONDO, MANILA dahil sinuspinde muna ang gibaan ng mga istraktura sanhi ng kinakaharap nating COVID-19 PANDEMIC.

Naihayag ni NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) GENERAL MANAGER MARCELINO ESCALADA JR na makatitiyak na ngayon ang mga residente sa naturang lugar na mayroon pa silang matutuluyan at matitirahan sa panahon ng pandemiya. Bukod dito ay may tiyak na ring relokasyon ang mga apektado at sakali mang mayroon nang nais lumikas sa kasalukuyan nilang tinitirahan ay maaari na umanong tumungo ang mga ito sa inilaang housing site sa NHA NAIC, CAVITE.

“No demolition hanggang hindi nali-lift ang GCQ.., NHA also offers NAIC HOUSING SITE to those who are willing to vacate,” pahayag ni ESCALADA.

Samantala, patuloy na sinisikap ng PRESIDENTIAL COMMISSION ON URBAN POOR (PCUP) sa pamumuno ni CHAIRMAN/CEO USEC. ALVIN FELICIANO na idulog ang usapin ng demolisyon kay PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at hilingin ang pansamantalang suspensiyon ng mga administrative at court order demolitions at evictions upang masiguro ang kaligtasan ng mga ISFs sa panahon ng pandemiya.., kaya naman ang PCUP ay nagsumite na ng mga resolusyon sa INTER-AGENCY TASK FORCE ON EMERGING INFECTIOUS DISEASES (IATF-EID) para tuluyan nang walang maganap na demolisyon at ebiksiyon sa buong bansa habang umiiral pa ang COVID-19 PANDEMIC!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o mag-text sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.