Advertisers
ARESTADO ang lima katao kabilang ang isang dating player ng UP Fighting Maroon sa buy bust operation sa BF Homes, Parañaque City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Kevin Rae L. Astorga, dating player ng UP maroon; Agustin Deulexandre Montejo; Jericho Tumagan; Karen Vidanes Salvahan; at Miguel Carlos Mojares.
Ayon sa ulat, 12:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng PDEA Regional Office-National Capital Region Souther District Office sa JEMP Building, BF Homes.
Nasamsam sa mga nadakip ang 150 grams ng kush, ilang transparent sachets ng cocaine, drug paraphernalias, 2 cellphone at pagkakadiskubre sa drug den.
Inihahanda na ang kasong droga laban sa mga naarestong adik. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)