Advertisers
PINAGPATULOY sa Senado ang pagdinig hinggil sa “Pastillas scheme” na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Pinangunahan ni Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairperson Sen. Risa Hontiveros ang nasabing hearing nitong Martes, Setyembre 22.
Personal na humarap sa pagdinig ang inakusahang protektor ng naturang iligal na gawain na si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre.
Nasa imbestigasyon din ang whistleblower na si Allison Chiong at iba pang mga personalidad.
Pero iginiit ni Aguirre na wala siyang kinalaman sa pastillas scheme, kahit ginawa ito ng BI officials noong siya pa ang nakaupo sa DoJ.
Aniya, napolitika lang ang isyu at isinisi iyon sa kaniya ng special envoy na si Ramon Tulfo.
Kamakailan ay naghain na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng criminal charges sa Office of the Ombudsman laban sa 19 na BI officers at personnel.
Magugunitang tinawag na pastillas scheme ang modus ng mga taga BI dahil nakalukot ang perang inaabot sa kanila ng mga undocumented Chinese, kapalit ng pananatili ng mga ito sa ating bansa. (Mylene Alfonso)