Advertisers
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag paniwalaan ang mga umano’y sabi-sabi at pasaring ni Bise Presidente Leni Robredo na kulang sa kahandaan ang pamahalaan sa pagtugon nito sa kinakaharap na pandemya.
Ito ang binigyan-diin ng Pangulo sa kanyang televised speech nitong Lunes ng gabi.
“Huwag kayong maniwala diyan, sus, huwag maniwala sa mga dilawan, I hate to mention her name, but itong si Leni kung anu-ano ang pinagsasabi,” ani ng Pangulo.
Duda ang Punong Ehekutibo na wala na lamang masabi ang kanyang mga kritiko at walang habas ang pagpuna sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang tugunan ang COVID-19 pandemic.
Giit ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang pangangailangan ng taumbayan sa gitna ng banta ng pandemya.
Gayunpaman, sinabi rin ng Pangulo na ang tanging magagawa ngayon ng bansa ay ang magsuot face mask at maghintay sa bakuna dahil ang mikrobyo o virus umano ay nariyan na lamang sa paligid. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)