Advertisers
MAY lumabas na post kay 1st District Davao del Norte Congressman Pantaleon “Bebot” Alvarez, ang closed friend at kaalyado ni Pangulong Rody Duterte, hinggil sa sinabi nito tungkol sa pangulo sa panahon ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (CIVIF ‘19).
Sa post ng DailyGuardian na may website dailyguardian.com.ph, sinabi ni Alvarez: “Let’s choose a President who can handle this COVID situation. One who has brains and not just one who shows courage. We need someone who has brains.”
Ang statement na ito ni Alvarez na pinost sa Tweeter ni PinoyAkoBlog ay umani ng napakaraming likes, quote tweets, retweets at malulupit na komento sa Facebook.
Bumaliktad na raw ba si Alvarez? Nagising na raw ba si Alvarez? At mas marami ang natuwa, nagsasabi lang daw ng totoo si Alvarez.
Sabi pa ni netizen Pedro Mulat: “Actually, we need people like him, na super close to power, na babaliktad and would tell all.”
Para sa mga hindi pa nakakaalam, si Alvarez ay dating kalihim ng Department of Transportation (DoTr) nung panahon ni Pres. Gloria M. Arroyo. Isa siya sa mga nagsulong sa kandidatura ni Duterte para maging pangulo.
Pagkaupo ni Duterte nung 2016, tinanghal na House Speaker si Alvarez. Pero nagkaroon sila ng hindi magandang pagkakaunawaan ng anak ni Duterte na si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio, isa sa naging dahilan para maalis siya sa pagka-speaker at napuwesto si Cong. Alan Peter Cayetano ng Taguig City, ang running mate ng pangulo noong 2016.
Nakaaway din ni Alvarez ang dating malapit niyang kaibigan na nakapagbigay ng malaking kontribusyon sa kampanya ni Duterte na si Antonio Floirendo Jr., dating kinatawan ng Davao del Norte na tinaguriang “Banana King”.
Ang away nila ni Floirendo ay umabot sa demandahan. Na-convict ng Sandiganbayan si Floirendo sa korapsyon.
Ganyan ka-astig si Alvarez. Diretsahan kung magsalita. Prangka! Para siyang ang beteranong kolumnistang si Mon Tulfo, isa ring closed friend ni Duterte, na nagsabing pinaka-korap sa lahat ng administrasyon mula kay Ramos hanggang kay Aquino ang Duterte government. Boom!
***
13 months nalang ay maghahain na ng kandidatura ang mga tatakbo sa 2022 local at national elections, na gaganapin 20 months mula ngayon.
Kaya naman nagkukumahog na ang mga kongresista na makakuha ng kani-kanilang malaking pondo para sa 2021 para magamit sa pagpapaguwapo sa kanilang constituents upang maiboto uli sila sa darating na halalan.
Oo! Ang gulo ngayon sa Kongreso ay dahil sa bigayan ng pondo para sa 2021. Nabuking kasi na ang iba (mga dikit sa House Speaker) ay nabigyan ng hanggang P10 billion, habang ang iba naman ay kapiranggot lang.
Pinagtatalunan din ang term sharing sa pagitan nina Speaker Cayetano at ka-share niyang si Cong. Lord Velasco ng Marinduque.
Hanggang katapusan ng Oktubre nalang kasi dapat si Cayetano, uupo naman si Velasco. Pero dahil sa magandang performance ni Cayetano, nagustuhan na ito ni Pres. Duterte at ng majority ng kongresista, kaya tila ayaw na nilang palitan si Cayetano. Bagay na nagwawala ang kampo ni Velasco.
Si Pangulong Duterte naman ay umagwat sa gulo, umuwi ito ng Davao nitong Linggo. Ayaw nya na raw makialam sa hidwaang Cayetano-Velasco. Hehehe…