Advertisers

Advertisers

Boss ng BG Productions na si Baby Go, sunud-sunod ang blessings

0 622

Advertisers

MULI na namang sumungkit ng parangal ang BG Productions International via the movie Latay (Battered Husband) sa Wallachia International Film Festival sa Romania nang gawaran ito ng Gold Prize.

Ang pelikula ay pinamahalaan ng award-winning director na si Ralston Jover at tinatampukan ng mga premyadong alagad ng sining na sina Allen Dizon at Lovi Poe. Tampok din dito sina Snooky Serna, Mariel de Leon, Soliman Cruz, Adrian Cabido, Renerich Ocon, Tabs Sumulong, at iba pa.

Ang BG Films ay pag-aari ni Ms. Baby F. Go. Ang pelikula ay tumatalakay sa pambubugbog, hindi ng lalaki sa babae, kundi ng misis sa kanyang mister.



Anyway, sa ginanap na presscon sa Marco Polo Hotel sa Ortigas ng lady boss ng BG Films kamakailan, nabanggit niya ang mga bagong proyekto ng kanyang kompanya. Pati na ang kagalakan sa panibagong award ng kanyang movie company.

Saad ni Ms. Baby, “I’m so happy na nandito tayo, nagkita-kita, nagsama-sama na parang isang pamilya ng BG, I’m so happy… Ngayon, nagpapasalamat ako dahil hindi lang sa ating new project kundi yung aking movie na kung saan-saang lupalop ng mundo ay nandoon siya. Lumalaban sa pandemic, kahit saan, buhay ang ating movie from the BG Production International.”

Pagpapatuloy pa niya, “Pangalawa, I’m so glad kasi itong aking new project ngayon like magazine, ito nga ngayon, tinawag ko kayo para malaman ninyo at ito’y para rin sa inyong lahat. Hindi lang para sa akin o sa pamilya ko, kung hindi, sa ating lahat. Sa panahon ngayon ng pandemic, dapat ay magkaisa, magtulungan, at walang tigil sa pagtatrabaho kahit nasa bahay kayo.

“Mag-submit lang kayo ng inyong kaalaman sa pag-contribute ninyo sa ating newspaper, tatlong newspaper–broadsheet at dalawang tabloid at ang ating magazine.”

Ang tinutukoy ni Ms. Baby ay ang tabloids na BG Expose at BG Dyaryo and BG Public Eye News na isang broadsheet.



Ni-launch ito ni Ms. Baby upang makatulong sa member ng media na magkaroon ng extra income sa panahon ng pandemic.

Sa naturang event ay naibulalas din ni Ms. Baby ang ginawang kabulastugan ng isang Robert ‘Bob’ Marasigan na nag-print ng magazine na BG Showbiz Plus ng walang pahintulot.

Anyway, dito’y inilunsad din ang BG Elite Club na ang president ay si katotong Joey Sarmiento, ang VP ay si Maridol Bismark, Anne Venancio, secretary, Ana Manansala, PRO, among others. Si Ms. Baby ang founder and chairperson nito.

Congrats ulit sa inyo, Ms. Baby! (Nonie V. Nicasio)