Advertisers

Advertisers

91K seniors walang pension sa 2021

0 198

Advertisers

AMINADO ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posibleng hindi na makatanggap ng pension ang mahigit 91,000 waitlisted na mga senior citizens sa susunod na taon.
Ito ang inilahad ni DSWD Assistant Secretary Glenda Relova sa isang panayam kahapon.
Ayon pa kay Relova ito ang epekto ng pagkabawas ng pondo ng DSWD sa 2021.
Nilinaw ni Relova na nasa P24 bilyon ang pondong hiniling nila para sa 2021 upang maisama sa pension program ang 3.7 milyong mga pinakamahihirap na mga senior citizens sa buong bansa.
Subalit, sinabi ni Relova na binawasan pa aniya ng Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P800-M ang pondo para sa naturang programa.
Samantala, mariing kinundena naman ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang pagiging waitlisted ng mga senior citizens para maisama sa mga tumatatanggap ng pensiyon.
Apela ni Zarate na kailangan pag-aralan ng Kongreso ang naturang patakaran lalo at marami naman aniyang pondo ang maaring ma-realign para makatulong sa mga senior citizens. (Josephine Patricio)