Advertisers
MAY nasilip na naman ni Senador Risa Hontiveros na katiwalian sa pagbili ng gobierno ng personal protective equipment (PPE) laban sa coronavirus disease 2019 (COVID ‘19).
Nasa P4 BILYON halaga ng PPEs daw ang “unaccounted”, sabi ni Senadora.
Nung una, sinabi ni Risa na ang Pilipinas ay nawalan ng halos P1 bilyon sa pagbili ng overpriced PPE sets na karamihan ay mula sa mga banyagang manufacturer.
Ang P1 bilyon ay “conservative estimate” lang noon ni Risa.
May nasilip si Risa sa report ng Department of Budget and Management (DBM). Noong Abril hanggang Mayo ang Department of Health (DoH) ay nag-order ng 5.1 million PPE sets na nagkakahalaga ng P10.2 billion (puma-patak na P2,000 bawat isa).
Pero noong Mayo, sabi ni Risa, inanunsyo ng Malakanyang na ang gobierno ay bumili ng PPE sets na nagkakahalaga ng P1,100 ang isa.
“There’s a huge discrepancy there. Where is the extra P900 going? That’s around P4 billion worth of PPE sets that is unaccounted for,” sabi ng dating militanteng lady Senator. “Maaring mas mahigit pa sa isang bilyon ang nakuha sa kaban ng bayan. Higit sa isang bilyon na dapat ginamit nalang para sa ayuda, sa pagtaas ng sahod, at napakarami pang iba.”
Ayon pa kay Risa, nakapagtataka kung bakit sa ibang bansa pa bumili ng PPEs ang gobierno gayung kayang kaya namang tugunan ng local manufacturers, Confederation of Philippine Manufacturers, ang PPEs na kailangan ng bansa laban sa covid ‘19.
“Kayang kaya ng Pilipino tumugon sa pangangailangan ng kapwa Pilipino. DBM and DoH should immediately engage with and prioritize our local manufacturers. Kung magagawa ito, mas maraming trabaho rin ang mapupunta sa Pilipino”, diin ni Risa. Tama siya!
Kahit si Senador Ping Lacson ay nasilip narin ang overpriced PPE sets na binili sa ibang bansa.
Ang problema, dedma sa isyung ito si Pangulong Rody Duterte. Malaki parin daw ang tiwala niya kay Health Sec. Francisco Duque at sa kanyang Budget Sec.
Again… asahan ang matinding korapsyon sa nalalabing dalawang taon ng Duterte administration. Hindi bababa ang mga opisyales na yan ng walang daang milyones na nakulimbat. Pramis!
***
Isang concerned citizen ang nag-text sa akin hinggil sa grabe na namang illegal parking, obstructions sa Zaragosa st., Tondo, Manila. Mula ito sa may Gat Andres Hospital hanggang Almario Elementary School.
“Mr. Venancio, report po namin para sa kabatiran ni Yorme Isko: Dito po sa Zaragosa st. sana magpunta ang MMDA rito o kaya MTPB. Ang dami truck dito, ginawa nila garahe dito. Sana po magreker sila araw-araw para malinis. Mga baboy sila. Dito po nagkakalat ng basura nila. Dito po tinatapon sa island ng Zaragosa st. Sana malinis na uli ang kalyeng ito na naging parkingan uli ng malalaking truck. Malapad po ang kalye dito, pero sumikip dahil sa napakaraming illegal parking. Isang lane nalang ang nadadaa-nan, masikip pa.” – Concerned citizen
Anyare sa kautusan ng DILG na linisin ang mga kalye at bangketa sa illegal parking? Ningas kugon na naman!
Yorme, ikaw na ang magpawalis sa mga basura rito, pls!