Advertisers

Advertisers

Surigao del Sur, niyang ng magnitude 6.1 na lindol

0 240

Advertisers

NIYANIG ng magnitude 6.1 na lindol nitong Lunes ng umaga ang Surigao del Sur, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tectonic ang origin ng nasabing lindol na yumanig sa layong 66 kilometro ng northeast ng bayan ng Bayabas sa nasabing probinsya 6:13 ng umaga.
May lalim na 77 kilometro ang lindo at naramdaman ang intensity 1 sa Surigao City at Gingoog City.
Hindi naman inaasahan ang anumang pagguho at pagkasira sa mga ari-arian, ngunit maaring makaramdam ng mga aftershock, ayon pa rin sa PHIVOLCS.(PFT team)