Advertisers
ISINUMITE na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang request na ipagpatuloy ang kanilang season sa “bubble” sa Clark, at umaasa ang liga na makakuha ng tugon mula Inter-Agency Task Force (IATF) sa katapusan ng Linggo.
Isiniwalat ni PBA chairman Ricky Vargas sa interview sa “Power and Play” kay dating PBA commisioner Noli Eala na nagpadala na sila ng liham sa IATF nakaraang Biyernes, dati nang humingi ng permiso para sa teams na magsagawa ng scrimmages.
“By Thursday or Friday, titingnan natin kung papayagan tayo mag-scrimmages dito sa Metro Manila,” Wika ni PBA commissioner Willie Marcial sa press conference nakaraang Huwebes.
“Kung hindi, bigyan tayo ng go-signal na mag-scrimmages sa Clark, diretso na sa game. So ‘yun lang ang iniintay natin,” dagdag pa nya.
Plano ng PBA na mag restart ang All-Filipino Cup sa October 9, na ang team ay titira sa hotel sa siyudad, at may nakatalaga na tig-isang bus na magdadala sa kanila sa Angeles University Foundation gym, habang ang tatlong ibang facilities ay available para sa praktis.
Optimistiko sa Vargas na matatanggap nila ang green light na makapasok sa bubble.
Tiniyak nina Vargas at Marcial na pairalin ng PBA ang mahigpit na protocol sa lugar, at nakahanda silang sundin ang guidlines na ipapatupad ng IATF at ng Department of Health.
Ang testing ng teams sa loob ng bubble ay sagot ng host.