Advertisers

Advertisers

NBA: Lakers 2-0 vs Nuggets sa West finals

0 202

Advertisers

NAGPAKITANG gilas si Anthony Davis sa ikalawang tagumpay ng Los Angeles Lakers sa Game 2 laban sa Denver Nuggets, 105-103, kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Dahil sa panalo ibinaon pa ng Lakers sa 2-0 lead ang serye sa best-of-seven series sa Western Conference finals.
Una rito, meron na lamang 2.1 seconds ang nalalabi sa fourth quarter at tabla ang score sa 103.
Inilabas ni Rajon Rondo ang bola at biglang ipinasa sa All-Star forward na si Davis na nasa sa three point area. eksakto namang pumasok sa ring ang bola na siya namang pagtunog ng bell bilang hudyat nang pagtatapos ng laro.
Ang three points shot ni Davis ay nagbigay ng tatlong puntos na kalamangan para sa LA.
Kumamada ng kabuuang 31 big points si Davis habang si LeBron james nag-ambag ng 26 points at 11 rebounds.
Sa panig ng Denver nasayang ang 30 points ng big man na si Nikola Jokic at si Jamal Murray ay nagpakita ng 25 points.
Ang Game 3 ay gagawin sa Miyerkules.