Advertisers

Advertisers

Mga sekyu ng Quezon City hall nganga sa hazard pay as frontliners

0 338

Advertisers

Good pm po. Ako po ay isang gwardya naka-duty sa Quezon City hall. Ang amin pong hinaing… sana ay maibigay po ang aming hazard pay nung nakaraang ECQ, kasi po hindi manlang kami binigyan ni MAYOR JOY BELMONTE kahit piso sa aming ipinasok. Di daw po kami kasama sa frontliners, samantalang yung mga empleyado nila na walang ginagawa ay nakatanggap po ng hazard pay. Maraming salamat po at sana po ay matulungan nyo po ang aming hanay hingil sa hinaing naming ito.

Bgy. hall ng Bgy. 285 ginawang
quarantine facility ng covid-19 patient?
Bakit ang Bgy. 285 dyan nila kina-quarantine ang mga tinamaan ng covid-19 sa loob mismo ng bgy. hall? Walang halong biro po ang mga sinusumbong kong ito. Ang may panukala nyan sa loob ng bgy. hall i-quarantine ang mga tinamaan ng covid-19 ang Chairman, si Richmond Liu, ang kanilang dating kagawad. Sina J.M. nagpositibo sa virus, si R.M. tinamaan ng virus. Paano wala silang social distancing. Ang Bgy..85 ginawa na nila itong ospital. Dito nila quina-quarantine ang lahat ng mga nahawaan ng COVID 19. Ang bgy. hall na ito dito na namumugad ang virus, at ginawa na itong sari-sari store ang loob mismo ng bgy. hall. Ginawa narin itong boarding house. Dito narin pinatira ang dating nakulong na tanod na nasangkot sa droga at ang mag-asawang tulak. Sana mapaimbestigahan ito ni Yorme. – Concerned citizen

Pinili lang ang binigyan
ng SAP sa Bgy. 29, Manila
Report lang po dito sa barangay namin, wala po kami SAP. Dito po kami sa Barangay 29 Zone 2, Tondo, Manila. Panawagan sa DSWD: Wala kami nakukuhang SAP. Namimili po kasi Chairman namin sa bibigyan ng SAP. Kami wala pa nakukuha kahit isang singko. – Residenteng mahirap ng Bgy. 29



Govt. health centers
sa Zamboanga City useless
Karamihan sa mga govt. health centers dito sa ZAMBOANGA CITY ay masasabi nating almost useless particularly health centers of BGYS. CAMPO ISLAM, SAN ROQUE, SAN JOSE GUSU, BALIWASAN TABUK, & neighboring areas. Kasi wala namang enough medical equipment & essential meds. Kung meron man, pinipili naman ng mga health workers ang binibigyan nila ng meds. Yung mga kapamilya at close friends lang. Kahit paracetamol o mefenamic acid man lang, walang maibigay at wala ring serbisyo for malarial test. Pls help the sick & indigent people of ZAMBOANGA CITY…