Advertisers

Advertisers

MASSIVE MANHUNT VS KILLERS NG PULIS, UTOS NI ISKO

0 326

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Isko Moreno ang massive manhunt operation laban sa mga holdaper na pumatay sa isang pulis na nagsilbing escort sa isang gold trader nitong Sabado ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na naging emosyunal si Moreno dahil sa ginawang pagpaslang kay PEMS Roel Candido, 53 at nakatalaga sa MPD-PS 11 at taga 714 Benita St., Gagalangin, Tondo sa ginanap na flag raising ceremony.

“Itaob nyo Maynila, itaob nyo bansa, halughugin ninyo at bigyan ninyo ng hustisya pamilya ng pulis. Kayong mga pulis (pointing at policemen in formation) ipagtanong ninyo sa mga pulis Maynila cop killers never grow old, I hope you could read between the lines,” maluha-luhang pahayag ni Moreno.



“I want justice, how I wish I could get one, patawarin nawa ako ng diyos,” dagdag pa ni Moreno.

Samantala, sinabi naman ni Moreno na naaresto na ang isa sa pumatay sa isang MTPB Marshall na binaril ng malapitan sa Rail Road St., Port Area, Maynila.

Kilala na ng mga pulis ang ikalawang suspek at patuloy itong pinaghahanap para papanagutin sa krimen.

Sinabi rin ni Moreno na dalawa sa mga suspek sa Metrobank heist na nangyari noong nakalipas na taon sa Binondo ang napatay na at patuloy pa rin ang manhunt sa ibang suspek.

Nagbabala si Moreno sa mga kriminal na huwag silang gumawa ng krimen sa Maynila. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">