Advertisers

Advertisers

Mag-asawa pinatay habang natutulog

0 277

Advertisers

HINDI na nagising sa mahimbing na pagkakatulog ang mag-asawa nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Talisay City, Cebu.
Kinilala ang mag-asawang sina Rogelio Tupas, 60, isang panday; at Virginia, 55, tindera ng isda, mga residente ng Sitio Saging, Barangay Lawaan 2, Talisay.
Sa report, 12:00 ng madaling araw ng Lunes nang maganap ang krimen.
Ayon sa ulat, mahimbing nang natutulog ang mag-asawa sa kanilang silid nang pasukin ng mga salarin at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan.
Namatay noon din ang mga biktima.
Matapos ang krimen, tumakas ang mga salarin.
Blanko pa ang mga awtoridad kung ano ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(PFT team)