Advertisers
KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang lalaki nang sumabit ang leeg nito sa lubid ng saranggola habang nagmamaneho at tinatahak ang diversion road sa Barangay Cabalangegan, Vigan City.
Kinilala ang biktima na si Benedict Tipon Paiste, 36, may asawa, electrician at residente ng Brgy. An-annam, Bantay; habang sugatan ang angkas nitong si Reynante Pugal.
Sa ulat, bigla na lamang natumba ang motorsiklo ng biktima at halos maputol ang leeg sa pagkakasabit nito sa lubid ng saranggola.
Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homidice ang dalawang lala-king nagmamay-ari ng lubid at sarangola na kinabibilangan ng menor de edad at 27-anyos.(PFT team)