Advertisers

Advertisers

Kahit sarado na… Angelica walang balak iwanan ang Kapamilya Network

0 250

Advertisers

KUNG ‘yung ibang  talents ng ABS-CBN ay isa-isa nang lumilipat sa ibang network matapos hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ang Kapamilya network, sa kaso ni Angelica Panganiban ay wala siyang balak iwanan ito.

Mananatili raw siyang loyal sa istasyong nagpasikat sa kanya.

“May mga tumawag. May mga nag-offer. Pero hindi siya  kasi sumagi sa isip ko. Hindi ko kayang iwan ang Kapamilya network. Hindi pa siguro ngayon. Hindi ko pwedeng pangunahan ‘yung mga mangyayari,” sabi ni Angelica.



Masaya raw si Angelica bilang Kapamilya artist. Kaya wala raw siyang nakikitang dahilan para iwanan ang kanyang home studio.

***

BG ELITE MEDIA CLUB, INILUNSAD

NAKATUTUWA naman ang movie producer na si Madam Baby Go.  May malasakit at pagmamahal siya sa entertainment press. Noong nagsimulang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong bansa noong March,  nagpadala siya ng ayuda/financial assistance sa aming mga manunulat.

Alam niya kasing walang mga presscon dahil bawal ang mass gatherings.



So, stop kami sa pagkakakitaan. At noong Sabado, September 19,  inilunsad niya ang BG Elite Media Club para rin sa aming mga manunulat, na siya ang founder/chairman.

Ang President ay ang kaibigan naming kapwa manunulat at DJ ng Win Radio Manila na si Joey Sarmiento a.k.a Kuya Jay Machete.  Vice President si Maridol Bismark, Vice President for Finance  si Paule Marasigan, secretary  ang kaibigan din naming si Anne Venancio, na siya ring tumatayong editor ng bagong tayong tabloid ni Ms. Baby na BG Diyaryo at BG Expose.  Ang PRO ay si Ana Manansala, Creative Director si Miller Achurra, Ad and Sales Head si Jacinto Aluad, at ang treasurer ay si Jerome Go.

Ang BG Elite Media Club ay itinatag ng BG Productions, Inc. noong panahon ng pandemya upang matugunan at makatulong sa mga pangangailangan ng media.

In partnership with PC Good Heart Foundation, BG Showbiz Plus, BG Diyaryo, BG Expose at BG Pulic Eye, magkakaroon ng oportunidad ang mga manunulat na magtabaho, tumulong sa mga activities na gagawin ng BG Elite Club katuld ng iba’t ibang fund-raising activity para makaipon at makatulong sa media na nangangailangan.

Ayon kay Madam Baby, ito ang panahon ng pagtutulungan at pagsusumikap ng bawat isa. Maituturing na ngayon ang BG ay all media group dahil sa expansion hindi lamang sa print, film, radio, TV at pati na rin sa mga out of home or billboard.

May plano rin siya na magtayo soon ng mobile clinic. O, di ba, kakaiba talaga si Madam Baby Go?

Gusto lang naming pasalamatan si Madam Baby, ganundin sina Anne at Joey sa pagkakapili nila sa akin para mapabilang sa BG Elite Media Club. (Rommel Placente)