Ikinakalat ng fake vloggers na hiwalay… Maine at Arjo very intact pa rin ang relasyon; Fil-Canadian Brothers Duke at Elrey Binoe magso-showbiz na rin
Advertisers
KUNG paniniwalaan ang mga ikinakalat ng pekeng bloggers, na porke’t walang mukha at boses lang ang maririnig ay ang tatapang gumawa ng inimbentong mga balita tungkol sa mga sikat nating celebrities.
Marami nang biktima ang mga tinatawag na bloggers sa dilim at ilan sa latest victims ng mga ito ay ang mag-syotang Maine Mendoza at Arjo Atayde na ibinalita nilang hiwalay na, dahil namumuo na raw ang relasyon sa pagitan nina Maine at ka-loveteam nito sa ALDUB na si
Alden Richards.
Well, butata na naman ang mga ito dahil last week, Sept. 13 ay sabay na nagbakasyon sa Tagaytay sina Maine at Arjo na umakyat sa nasabing lugar kasama ng family ni Maine at ilang kaibigan ng actress-host. Kaya hindi totoo at fabricated lang ang isyung break na ang dalawa. Saka kung matatandaan ay 2 years ago pa nilinaw ni Maine sa ALDUB Nation na hanggang friends at love team lang sila ni Alden. Saka maayos pa rin naman ang team-up nila sa Eat Bulaga
so dapat maging masaya at kontento na ang kanilang mga tagahanga.
***
TULAD ng kanilang mommy, si Dovie Red(dating Dovie San Andres, handa na rin si Elrey Binoe na pasukin ang pag-aartista. Actually, kung hindi lang na-scam ng pekeng director, bata pa lang ay nasa showbiz na sana si Elrey at kuyang si Duke Alecxander at ang kanilang mother na si Dovie.
Pero tulad ni Dovie ay hindi nawawalan ng pag-asa si Elrey at ngayon buo na ang desisyon ng kanyang mommy sa pag-produce ng pagsasamahan nilang movie na hinahanapan pang magandang title, pero ang tema nito ay psycho-triller movie about sa paghihiganti ni Dovie at action movie naman ang para kay Elrey Binoe dahil action ang forte nito.
Si Direk Vic Tiro ang magdi-direk ng 2-in-one movie ng mag-ina. Yes, pag-uwi ng bansa ay magsisimula nang mag-train ng iba’t ibang klase ng stunts ang good looking na Fil-Canadian na si Elrey kay Direk Ti-
ro na maliban sa director ay actor din.
Yes, mahasa lang nang husto ni Direk Vic si Elrey, naniniwala kaming matutupad ni Elrey Binoe ang pangarap nito na maging action star in the future na tulad ng iniidolo nitong si Robin Padilla. ‘Yung brother naman nitong si Duke ay maliban sa gusto ring i-try ang luck sa pag-aartista na comedy at drama naman ang gustong i-portray ay gusto
rin ng binata na maging ramp model at commercial model. At yes bagay na bagay na maging endorser ng anumang produkto panlalake si Duke dahil maliban sa guwapo sya ay matangkad at napaka articulate pa. Sanay rin daw sa puyatan ang magkapatid kaya’t walang problema sa kanila ang magdamagang shooting.
Samantala, ang kanilang Mom Dovie naman ay todo exercise at madalas ay mediterranean food ang kinakain ni Dovie na para naman sa kanyang diet. (Peter S. Ledesma)