Advertisers

Advertisers

Ex-NPA na lider ng gun-for-hire at kasama patay ambush sa Laguna

0 229

Advertisers

LAGUNA – Inambus at napatay ang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA) at tumatayong lider umano ng “gun for hire” at isa nitong kasamahan sa bahagi ng national highway sa Barangay Canlalay, Biñan City, Linggo ng umaga.
Sa ulat ni Police Lt. Col. Giovani Martinez, hepe ng pulisya, kay Laguna Provincial Director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang mga napatay na sina Lope Espejo Jr. alias “Ka Alvin”, 52, lider ng gun for hire, nakatira sa Phase 2, Lupang Pangarap, Brgy. San Jose; at kasamahan nitong si Randy Avila, ng Brgy. Dela Paz, Binan City.
Sa imbestigasyon, 8:45 ng umaga nang tambangan ang dalawa ng armadong grupo na sakay ng SUV. Malapitang pinagbabaril ang mga ito. Mabilis na tumakas ang mga salarin patungong San Pedro.
Sa talaan ng pulisya, napag-alaman na ang mga biktima ay responsable sa ilang kaso ng pagpatay sa unang distrito ng Laguna, illegal drugs, protektor at extortion activities sa Binan Public Market.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan ang dalawa sa naarestong Calabarzon Most Wanted Person na si Mark Anthony Sison sa North Cotabato. (Dick Garay)