Advertisers
MAPALAD na anak si Janella Salvador dahil may nanay siyang marunong umunawa sa kanyang kalagayan ngayon.
Ang ibang magulang kasi kapag nabalitaan na buntis ang kanilang anak ay kaagad na palalayasin at itatakwil, pero ang nanay ni Janella na si Jenine Desiderio ay tanggap ang sitwasyon ng anak.
Yes, ngayon ay masasabi na si Janella ang young actress na nabuntis at next month na, October, ang due ng kanyang panganganak.
Sasamahan ni Jenine ang anak na si Janella sa UK para doon magsilang ng first born baby nila ni Markus Paterson. Sumama rin ang isa pang anak ni Jenine na si Russel sa UK para damayan ang kapatid na actress.
Tila huli na nga raw ang pakiusap ng isang fan ni Janella sa ina nito na si Jenine na ilayo ang young actress kay Markus dahil buntis na ito at nakatakdang magsilang ng baby next month.
May nagtanggol naman daw kay Markus na responsable ito at his age. Maganda nga raw ang ginawa nito na dalhin sa UK si Janella para makaiwas sa tsismis.
Walang update photo si Janella sa kanila ni Markus, maliban lang sa post nito ng larawan ng isang solitary rose na may caption na, “as long as I have you, I`m home.”
Dahil sa salitang “red rose” ay agad na nag-isip ang netizens na clue yun na baby girl ang kanyang pinagbubuntis.
Well, sana lang ay hindi danasin ni Janella ang karaniwang dinaranas ng mga maagang nagkakaanak na iwanan ng lalaki pagkatapos ng ilang taong pagsasama.
***
NORA AUNOR GAGAWA NG SHORT FILM NA HENERALA SALUD
MAY movie pala na gagawin ang Superstar na si Nora Aunor, ang Henerala Salud na isang true to life story ng former beauty queen from Cabuyao, Laguna na naging rebelde laban sa mga Amerikano.
Ayon daw sa artistic director ng Tanghalang Pilipino na si Nanding Josef, ang magpo-produce ng short film sa 67 years old na si Salud Algabre ay ang Tanghalang Pilipino, in time para sa celebration ng National Women`s Month (March 2021).
Pumayag na raw ang Superstar para gawin ito kaya sa ngayon ay sinusulat na ang script ng short film at ayon na rin kay Nanding ay igagawa rin ito ng full-length film ng Tanghalang Pilipino with a partner producer.
Samantala, nag-post naman si Rosanna Roces na magkasama sila ni Nora at may caption na, “With my Ninang Guy and Direk (@direkdaryllyap). Inisip tuloy ng mga nakakita ng larawan na magkasama ang tatlo at may gagawin din silang pelikula.
“May pinresent kami sa kanya (Nora) sana tanggapin,” pahayag ni Osang nang tanungin kung may pelikula nga ba silang gagawin ng Superstar?
Kung sakaling matuloy nga ang pagsasama nina Osang at Ate Guy ay hindi ito ang una dahil nagkasama na sila sa mga pelikulang Hustisya at Kinabukasan. (Gerry Ocampo)