Advertisers
PATAY ang isang barangay tanod nang pagbabarilin sa Cawayan, Masbate.
Kinilala ang biktima na si Bebiano Lipasan, 42, residente ng Barangay Antipolo sa bayan ng Palanas.
Ayon sa kay Police Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police, binaril ng motorcycle-riding gunman ang biktima habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Sitio Lumboy, Purok 4, Barangay Divisoria.
Dead on the spot ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at pinaghahanap na ang salarin.(Ace Ramales)