Advertisers

Advertisers

2K PANG REMDESIVIR, BINILI NI ISKO

0 301

Advertisers

MULING bumili si Manila Mayor Isko Moreno ng panibagong 2,000 remdesivir vials para mas mapaigting pa ang paglaban sa COVID-19.

Sinabi ng alkalde na ang 1,000 vials ay naibigay na sa lokal na pamahalaan ng Maynila habang ang nalalabing 1,000 vials ay nakatakda pa lamang i-deliver.

Ang pagbili ng karagdagang Remdisivir ay matapos na ipabatid ng mga district hospital directors at city health officials na ang gamot ay epektibo bilang medical treatment sa COVID-19 positive patients.



“Yun ang importante sa akin, makatulong mag-survive ang patients. If they are surviving, then we are on the right track in helping as many as possible to survive,” ayon sa alkalde.

Inatasan din ni Moreno ang mga local government hospital directors na magbigay ng tulong sa ibang hospital partikular na sa private hospitals at national government hospitals kung kakailanganin nila ng Remdesivir vials.

“Help as many lives as possible. Tumulong tayong bumuhay ng tao, let us extend our hand because we are talking about life saving,” ayon sa alkalde.

“I am after to the lives that we can save. Iyon ang logic ng ating approach sa COVID-19, universal approach,” dagdag pa ni Moreno.

Ayon kay Moreno, umabot na sa 4,000 ang nabiling Remdesivir vials ng lokal na pamahalaan ng Maynila bilang gamot sa mild at moderate at COVID-19 cases. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">