Advertisers
SA latest vlog ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ay ipinagwagwagan ng magdyowa na wala muna silang loving-loving or sex.
Simula nga raw nang manganak si Solenn ng January 1 ay umamin itong hindi na sila nagsisiping (sex) ng mister na si Nico.
Takot daw kasi ang sexy actress dahil sa experience nitong na-ceasarian sa anak na si Thylane.
Baka kapag nagsiping daw sila ay masundan ang anak nila at ma-experience na naman nito ang sakit ng panganganak pero masaya naman daw sila na magkatuwang sa pag-aalaga.
Natuwa naman ang netizens kay Nico dahil kahit 9 months na silang walang pagsisiping ay nandun pa din ang paggalang at pag- respeto nito sa asawa.
Kung ayaw nga raw ni Solenn ay never naman daw itong mamimilit pero if ever na willing na ito ay ready lang ang mister pero sa ngayon ay hindi naman ito nagmamadali. Mark Herras, dream come na makalalaki
***
WALANG pagsidlan ng tuwa si Mark Herras sa pagbubuntis ng live-in partner na si Nicole Donesa.
Sa early part of the year, January 2021 ay isisilang na ang una nilang anak at bunga ng kanilang pagmamahalan.
Nagsagawa pa nga ng pa-party para sa gender ng kanilang unang supling sina Mark at Nicole na pinangasiwaan ng mudra ng aktor.
May mga ginawa na eggs na pinagbubuksan ni Mark at nang mabuksan ay may nakita ritong color pink na ikinatuwa ng una.
Pero ‘di pa pala ‘yun ang finale dahil may isa pa itong egg na bubuksan. Nang buksan ito ay tumambad sa kanya ang kasuotan ng bata na halos lahat ay kulay blue.
Yes, dream come true kay Mark ang kanyang baby boy kaya naiyak na lang ang aktor sa saya na lalaki ang kanilang magiging anak ni Nicole na isa ring Kapuso star.
Corky naman ang magiging nickname nito na ang “CO” ay kinuha sa ina at ang “RK” ay sa ama at ang “Y” ay kay baby.
May unang anak na kasi si Mark na nagngangalang Ada.
Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)