Advertisers

Advertisers

Performance ng kamara aprub kay Digong, Lord wala nang tsansa pa! Hahaha…

0 411

Advertisers

HAHAHA!!! Mukhang malabo nang mangyari ang palitan ng speakership sa kamara batay sa napagkasunduan noon na 15-21 sa pagitan ni Speaker Alan Cayetano at Congressman Lord Velasco.

Yes! Nitong nakaraang Miyerkules, ipinatawag ni Pangulong Rody “Digong” Duterte si Senate President Sotto, Speaker Ca-yetano, Senator Bong Go at Majority Leader Martin Romualdez at pinag-usapan ang tungkol sa issue ng korapsyon sa PhilHealth at pag-amyenda sa Red-Tape Law

Sa naturang miting, inilatag din ni Romualdez ang mga nagawa ng 18th Congress sa ilalim ng liderato ni Cayetano. Sinabi rin ni Romualdez na inaksyonan ng Kamara ang priority measures na isinusulong ng gobyerno ni Digong dahil sa determinasyon ng liderato ni Cayetano sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Kamara.



Totoo naman itong sinasabi ni Romualdez dahil as of July 16, 2020, labing walong (18) panukala na ang naging batas12 dito ang national bills at 6 ang local bills. Kabilang sa mga ito ay ang postponement ng barangay eleksyon; GMRC law; Salary Standardization law na nagtaas ng sweldo ng mga guro at nurse; pagtatag ng Malasakit centers sa hospital para matulungan ang mga mahihirap na pasyente; ang pagtatayo ng National Academy of Sports; ang Bayanihan 1 at 2 para sa mga biktima ng COVID-19 at pagbangon ng bansa mula sa epidemyang ito at marami pang iba.

Nasa 3rd reading narin ang panukala na medical scholarship sa mga deserving students at aprubado narin sa 3rd reading ang mga economic bills na ito at nag-aantay na lamang pag-apruba ng senado. Kabilang na rito ang Coporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA); Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA); at ang Real Property Valuation and Assessment Act.

Ibinida rin ni Romualdez, na tumatango-tango pa si Digong habang ipriniprisenta nito, ang mga nagawa ng Kamara. Nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usap sina Digong at Cayetano pagkatapos ng miting kahit sa maikling oras lang.

Kung ako ang tatanungin, huwag nang galawin ang Kamara kung swak na swak naman ang trabaho at performance nito sa kabila ng pandemya. Eh ‘di ba nga ang Kamara pa ang nagpa-uso ng mga virtual meeting ngayong panahon ng pandemya para lang matalakay ang mga importanteng panukala at maimbestigahan ang mga dapat imbestigahan na mga usapin. Ngayon lang din nangyari na may mga academe at ibang sektor ng lipunan na pwedeng magtanong sa umpisa ng budget hearing at makapagbigay ng opinyon ang mga netizen sa pagkomento sa social media platforms para makibahagi sa pagdinig ng budget.

Kung ganito ang nagaganap ngayon sa kamara, bakit pa magkakaroon ng galawan? Ituloy nalang ang magandang sistema upang makabangon tayo ng tuluyan lalo na sa pagkakalugmok sa COVID-19. Eh kung magpapalitan pa ng lider lalo na sa kalagitnaan ng national budget hearing, naku po panibagong galaw na naman ang mangyayari sa Kamara pag nagkataon. Mismo!



***

Dapat payagan na ng IATF ang hanggang 50 percent capacity ng mga nagsisimba.

Sa simbahan, ang mga tao ay nakaupo lang, walang daldalan, may face mask, tahimik na nagdarasal, walang gumagala, kumpara sa casino na ikot nang ikot at daldal nang daldal ang players lalo pag natatalo, malaki ang tsansa magkahawaan ng covid ‘19.

Mas grabe sa palengke, siksikan ang mga tao, ang iingay pa… nagtatalsilan ang laway, gayundin sa mga pasyalan… andami narin nagkukumpulan, walang social distancing… tulad lang nitong Sabado at Linggo ng umaga sa “Dolomite beach” sa baywalk sa Roxas Boulevard, near US Embassy, siksikan ang mga usyusera’t usyusero, wala manlang nagsasaway. Pucha!