Advertisers
NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa Tagbiliran City, Biyernes ng gabi.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng C. Ligason St. corner CPG East Avenue sa Barangay Bool 6:20 ng gabi.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa high-value target na si Camilo Ibay Malicse, 50-anyos.
Nakuha kay Malicse ang pitong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.(PFT team)