Advertisers
P47.6 MILLION halaga ng shabu ang nasabat ng mga kagawad ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa buy bust operation nitong Linggo ng umaga sa Tipolo Ville, Barangay Guadalupe, Cebu City.
Arestado sa operasyon sina Rolando Romeo, 32; Calving Valdez, 42; at Eduard Romeo, 24, pawang residente sa nasabing barangay.
Ayon sa City Police Director na si Col. Josefino Ligan, nanggaling ang bulto-bultong shabu sa San Carlos City, Negros Oriental, at kinuha ni Romeo nang makarating ang droga sa Toledo City Port.
Pinaniwalaang ang may-ari ng shabu ay isang detainee sa New Bilibid Prison na nagngangalang Rustico Repuela.
Sa report, ibinunyag ni Romeo na nakapag-dispose na siya ng shabu noong kasagsagan pa ng quarantine lockdown sa lungsod.
Narekober ang pitong kilo ng shabu na nakabalot sa Chinese tea bags.(PFT team)