Advertisers
HINDI namin alam kung bakit ipinaabot ng isang taon ang pagpapalawig ng state of calamity sa buong bansa. Sa ilalim ng Presidential Proclamation 1021 na nilagdaan ni Rodrigo Duterte noong Miyerkules, ipinalalawig hanggang ika-12 ng Setyembre, 2021 ang state of calamity sa buong Filipinas.
Ito ang dahilan sa pagpapalawig: Ang pandemya na sanhi ng China-Duterte Virus. Ayon sa proklamasyon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit at namamatay dala ng pandemya. Kailangan ng gobyerno ang mga magagamit na mapagkukunan upang maharap at masugpo ang pandemya, ayon sa proklamasyon.
Naunang nilagdaan ni Duterte ang Proclamation 929 noong ika-16 ng Marso ng kasalukuyang taon at isinasailalim ang buong bansa sa state of calamity sa loob ng anim na buwan. Natapos noong Biyernes ang state of calamity kaya kagyat na pinalawig ito ng Malacañang.
Ayon sa Official Gazette, ang opisyal na pahayagan ng gobyerno tungkol sa mga batas, kasunduan, proklamasyon, tratado, at iba pang gawain ng gobyerno, “inilarawan ang State of Calamity bilang isang kalunos-lunos na kondisyon ng bansa dulot ng isang pangyayaring gawa ng kalikasan (mga bagyo, lindol, atbp.). [Kasama rin] ang mga gawa ng tao tulad ng pakikidigma.
“Idinedeklara ang State of Calamity batay din sa dami ng mga taong namatay o napinsala ng sakuna, tindi ng pagkawasak ng mga ari-arian at imprastruktura, pagkakatigil ng mga negosyo at kabuhayan, at sa kawalan ng kakayahan ng mamamayan na mamuhay nang normal.”
Maaaring ideklara ang state of calamity kung may malaking panganib sa mga mamamayan at ari-arian. Minomobilisa ng pamahaalan ang buong makinaryang sibilyan upang maharap at maibsan ang masamang epekto ng anumang sakuna o kalamidad sa bansa. Kapag kailangan ang tulong ng Sandatahang Lakas, nagiging state of emergency ang kalamidad.
Nakatutulong ang pagdeklara ng State of Calamity sa oras ng kalamidad sapagkat daan ito upang maibahagi ang calamity fund, ipagbawal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan, at pagbibigay ng mga pautang na walang kakabit na interes.
Hindi dapat tutulan ang pagdedeklara ng State of Calamity. May poder ang Ehekutibo sa pamumuno ni Duterte na pakilusin ang buong makinaryang sibilyan ng gobyerno upang maharap ang pandemya. Ang nakakapagtaka ay ang mahabang pagpapalawig gayong walang plano, programa, o dagliang lunas at hakbang ang administrasyong Duterte upang mabawasan ang pandemya.
Totoong matingkad ang kawalang kakayahan, kapabayaan, at katangahan sa pagharap at pagsugpo sa pandemya. Hindi kinakitaan ng tikas, lakas ng loob, o pagiging malikhain sa pagharap sa pandemya. Anim na buwan ng nakakalipas mula ng mag-umpisa ang pandemya, ngunit walang makitang anumang pagpupunyagi ang gobyerno ni Duterte upang maibsan ang paghihirap ng masang Filipino.
Pawang kapalpakan ang ginawa ni Duterte at kanyang alipures. Sa totoo, iisa lamang ang naisip na solusyon ni Duterte sa pandemya – hintayin ang pagdating ng mga bakuna. Sa ganang kanya, tanging ang bakuna ang makakapigil sa pandemya.
Taliwas ito sa panawagan ni Bise Presidente Leni Robredo na kailangan kumilos ang pamahalaan at gumawa ng paraan kahit wala pa ang bakuna. Hindi ito pinakinggan ni Duterte bagaman may punto ang Bise Presidente. Nagtengang kawali lamang ang tila nababaliw na pangulo.
May probisyon ang proklamasyon na maaaring alisin ang state of calamity kahit hindi makakaisang taon. Ngunit batay sa hindi maintindihan na takbo ng pamahalaan ni Duterte, hindi namin alam kung aalisin nga ni Duterte ang state of calamity kahit bumuti ang takbo ng panahon. Hindi maaasahan ang kanyang gobyerno sa maayos na pagtatasa ng kasalukuyang panahon.
***
MUKHANG painit na ang isyu ng pagpapalit ng ispiker sa Kamara de Representante. Mukhang may mga galawang pailalim ang mga kampo ni Alan Peter Cayetano at Lord Allan Ray Velasco na nakatakdang humalili kay Cayetano sa ilalim ng isang term-sharing agreement. Ayon sa napagkasunduan, nakatakdang pumalit si Velasco sa katapusan ng Oktubre.
Hindi namin alam kung magbibigay daan si Cayetano sa isang matiwasay na pagpapalitan ng liderato sa Kamara. May mga ugong kasi na nangunguyapit si Cayetano. Mukhang hindi basta ibibigay ni Cayetano ang liderato ng Kamara. May mga galawan sa Kamara upang makuha ni Velasco ang trono. Masaya ito dahil mukhang maglalaslasan sila ng lalamunan.
***
MAYROON kaming isinulat na sanaysay tungkol sa relasyon ng Filipinas at China. Ibinabahagi namin ito sa mga mambabasa kahit nakasulat sa Ingles.
THREE THINGS TO PONDER RE PHL-CHINA RELATIONS
THIRD TELCO. Allowing Dito Telecommunity, or Dito Telecom, to put up cell towers in the 100 military and naval bases nationwide raises serious questions. When Mislatel, Dito Tel’s local partner, applied to become the third telco, two or three years ago, the NTC disapproved its application because of lack of technological competence and financial muscle. China Telecom has entered to become Mislatel’s foreign partner with 40 percent of the equity to become Dito Telecom. The NTC approved Dito Telecom’s application as the third telco. Reason: its foreign partner has the technological competence and financial power to operate a nationwide telco. The NTC approval of Dito Telecom that it would be China Telecom, which would bring in the technology. Could we infer that with the AFP- Dito Telecom accord, it would be the Chinese partner that would bring in the technology to build and operate those cell sites inside the military and naval bases? What are the safeguards that the integrity of the country’s national security would not be compromised with the AFP-Dito Telecom pact? Who would stop the Chinese partner from putting listening devices on those military and naval bases? The national security issues of their joint accord would have to be carefully examined.
SANGLEY POINT AIRPORT. Executive Secretary Salvador Medialdea’s alibi that Malacañang did not know that a Chinese construction firm blacklisted by the U.S. government, is simply unbelievable. It shows not just lack of competence, but total ignorance of the required vetting process in big ticket state contracts. No less than Philippine Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, who has argued against the construction of a US$14 billion airport on Sangley Point via a joint venture between the Chinese contractor China Communications Construction Co. (CCCC) and the Philippine contractor MacroAsia Corporation. It is meant to ease congestion at the nation’s main international gateway, Ninoy Aquino International Airport. Bacordo argued Sangley Point is at a strategic location only 10 kilometers away from Manila. “We are guarding the entrance of Manila. If Manila will fall, the whole country will fall,” said Bacordo. Why Malacañang did not know CCCC has been blacklisted for business malpractices is beyond us. Of course, the possibility that Medialdea was lying appeared quite visible.
NEW SOLUTIONS, NEW PROBLEMS. As a partner of the third telco, China Telecom would bring in new technologies to boost the Philippine telecommunications industry. The two existing telcos – PLDT Group and Globe Telecom – have been accused of “failure to improve their services.” That is if the madman is to be believed. In fact, the madman has been threatening to expropriate the assets of the two giant telcos purportedly to be given the obviously favored third telco. His threat, which he aired in his last SONA, is not taking off the ground with the enactment of the Bayanihan-2 Law, which enjoins the LGUs from making it difficult for the thir5d telco to build its cell towers. But there’s no assurance that China Telecom would bring in the appropriate technologies the country’s telecommunications sector requires. Because of its tie-up to the Chinese government and given the Chinese security laws requiring state firms to report to Peking, the persistent view is that the new solutions could trigger new problems. We’ll never know how to deal with China and its brand of capitalism.