Advertisers

Advertisers

Lalaki naburyong sa quarantine nanaksak, 1 patay

0 235

Advertisers

PATAY ang isang lalaking nasa ilalim ng home quarantine nang saksakin ng kanyang kasama sa quarantine house sa General Nakar, Quezon, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Cris Mark Astoveza, residente ng Barangay Pagsangahan; at ang salarin ay nagngangalang Jeremy Miras , 24.
Sa report, nasa ilalim ng 14-day home quarantine ang biktima at ang salarin sa nasabing barangay batay narin sa patakaran ng LGU.
Kumakain ng hapunan ang mga naka-quaratine kabilang ang kapatid at bayaw ng biktima nang bigla na lamang magbunot ng patalim si Miras at sunod-sunod na inundayan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Mabilis na umalis ng bahay ang salarin matapos ang pananaksak.
Ayon sa General Nakar police, nasa ika-8 araw na ng home quarantine ang mga ito matapos umuwi mula sa kanilang trabaho sa road construction sa San Miguel, Bulacan.
Nagkasagutan muna ang biktima at si Miras hinggil sa kanilang naiwang trabaho.
Pinaghahanap na ang tumakas na salarin.(PFT team)