Advertisers

Advertisers

Inabutan na nga ng pandemic… AlDub fans ‘di pa rin paniwalang magdyowa sina Maine at Arjo; Anne may movie offer na kahit nasa Australia pa

0 212

Advertisers

DECEMBER pa last year ay nasa Australia na si Anne Curtis kasama ang asawang si Erwan Heussaff at doon na rin niya ipinanganak ang first baby  nila na si Dahlia Amelie.

Doon na rin sila inabutan ng lockdown dahil  sa pandemic na Covid-19 na naging dahilan kaya hindi sila makabalik  ng Pinas hanggang  ngayon.

Sa kanyang panayam with G3 San Diego last Tuesday ay naibulalas ni Anne na miss na niya ang umarte at katunayan ay may nag-aantay  na raw sa kanyang  pelikula pagbalik  ng Pinas.



“I`ve  spoken  to Viva. May movies  na kaagad  pag-uwi ko anytime  na magaganda rin. Actually tinatanong  na nga ako kung kailan ako  uuwi. But  we`ll  see,” pahayag ni Anne.

Hindi naman niya itinago na gusto niyang magtrabaho  pero  priority niya raw siyempre  ngayon ang kanyang pamilya.

“I  know that  eventually, I will get back  to  it. That`s  for  sure.  Pero siyempre, hindi ko lang siya priority as of now. Siyempre mayroon  akong  bagong baby. And I  really  want to be here for her as much as I can. Parang I don’t  want  to miss out on any of her firsts. Gusto ko super present ako,” aniya.

Bukod sa pag-arte ay miss na rin ni Anne ang mag-host ng  It`s Showtime at ang kanyang mga co-host.

“Hopefully  by the end of this year, we`ll  be able  to come back to Manila na. Pero of course, playing  it by  ear  pa rin.  We`ll  see. Pero yun  naman  talaga  ang  goal,  makapag-Pasko kami diyan sana,” aniya.



***

NAGING controversial  ang post ng fan nina Maine Mendoza at boyfriend na si Arjo Atayde nang magbakasyon ang dalawa sa Tagaytay noong September 13, 2020 dahil may AlDub pa rin hanggang ngayon ay hindi  naniniwala sa relasyon nina Maine at Arjo.

Kesehodang may mga ebidensiya ng larawan  na magkasama  sina Maine at Arjo at siblings ni Maine at mga malapit na kaibigan ay ayaw pa rin talaga maniwala ng ibang  fans.

Sa Tagaytay ay dumitreso raw sina Maine at Arjo at mga kasama sa vacation  house ng pamilya Atayde at may katibayan  pa na naligo sila sa swimming pool  ng bahay nito.

Paniwala pa ng ilang AlDub fans ay kasama ni Maine si Alden sa Tagaytay. Sinadya  raw  na  hindi sumama sa larawan  si Alden dahil  inililigaw daw ang mga fans.

Sabi tuloy ng fans nina Maine at Arjo ay kailan pa raw maniniwala  ang ilang  AlDub fans na malabo na sina Maine at Alden dahil si Arjo talaga ang nasa puso ng dalaga.

***

MASUWERTE  sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na may show na sa TV 5. Bukod kasi sa napapanood pa rin sila sa Eat Bulaga ay sila pa rin ang nabigyan ng pagkakataong maging host ng shows sa Kapatid Network.

Pero hindi naging maganda ang feedback sa amin ng mga nakapanood ng kani-kanilang TV show sa TV 5.

Sa porma raw kasi ng show ay hindi anya ito magtatagal  at masuwerte na kung tumagal daw ito ng isang taon.

Well, sana naman ay mali ang haka-haka ng mga nakapanood ng show ng tatlo sa TV 5. (Gerry Ocampo)