Advertisers
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot sa 242,453 na drayber ng Public Utiliy Vehicles (PUVs) ang napamahagian ng cash assistance mula sa P1.7 bilyon na emergency cash subsidies ng gobyerno.
Ang naipamahaging tulong pinansiyal ay sa ilalim ng ikalawang bugso ng Special Amelioration Program (SAP 2) ng DSWD.
Ito ang inihayag ni DSWD spokesperson at Director Irene Dumlao sa isang panayam kahapon.
Saad pa ni Dumlao, kabilang ang mga tsuper ng PUVs sa mga pamilyang benepisyaryo na tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa SAP 2.
Ayon pa kay Dumlao, umabot na sa 13.858,553 milyong Pilipino ang benepisyaryo ng SAP 2.
Sinabi din ni Dumlao na umabot sa P82.7 bilyon ang kabuuang pondong inilabas para sa naturang programa ng ahensiya. (Josephine Patricio)