Advertisers

Advertisers

Bela Padilla nilinaw, banlag pero ‘di duling

0 442

Advertisers

AMINADO si Bela Padilla na may depekto siya sa mata, na banlag siya. Sa katunayan, hindi nangingimi ang aktres na mag-post sa social media ng mga litrato niya na kapansin-pansin ang pagiging banlag niya.

Gaya ng picture na ipinost niya sa Instagram account niya. Ang litrato ay advertisement ni Bela para sa iniendorso niyang hair vitamins.  Isang lalaki ang patanong na pumuna sa mga mata ni Bela. Sabi nito, bakit daw duling si Bela. Pero imbes na magalit o huwag pansinin ang komento ng netizen, itinama pa ni Bela ang sinabi nito.

Sagot ni Bela, mali ang terminong ginamit ng netizen sa kanyang eye defect. Hindi raw siya duling kundi banlag.



Maraming fans ni Bela ang nagalit sa  netizen. Depensa ng mga ito, hindi naman daw big deal kung banlag ang kanilang idolo. Mahal daw nila ito kahit ano pa ang hitsura nito.

***

TOTAL INTERNATIONAL ENTERTAINER NICK VERA PEREZ, NAGLUNSAD NG MGA PAKONTES PARA MAKATULONG NGAYONG PANDEMIC

NAKATUTUWA naman ang Total International Entertainer na si Nick Vera Perez. Pinasok kasi niya ang Kumu para lang makatulong sa mga nangangailangan financially sanhi ng pandemic, at para sa mga taong may iba’t ibang talent.

Naglunsad siya ng contest para sa mga ito. Nauna na nga rito ang TheSinger2020  na ang  Grand Champion ay tatanggap ng P30,000. O di ba, ang laking premyo?



Ang sumunod niyang contest ay ang The DanXer 2020. Open na ang auditions para rito tuwing Saturday at Sunday,10:00am. Magpunta lang kayo sa account ni Nick sa Kumu na nickveraperez1. Ang grand winner ay tatanggap  ng P15k.

Kaya sa mga magagaling sumayaw, mag -audition na kayo. Wala itong age limit. At kahit anong klase ng sayaw ay pwede. Sa mga wala pang Kumu account, mag-download lang kayo ng application na ito para makapag-audition. (Rommel Placente)